Halos sampung taon matapos ilabas ang makasaysayang arbitral ruling sa West Philippine Sea, patuloy ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kasabay ng panibagong pag-angkin sa Pag-asa at Lawak Island at pagtutol ng China sa mga construction projects ng Pilipinas sa mga isla.
Key Points
- Kasunod ng pinakahuling pahayag ng China, sinabi ng Armed Forces of the Philippines o AFP na hindi kailangan ng Pilipinas ng pahintulot mula sa ibang bansa upang magsagawa ng development projects sa loob ng hurisdiksyon nito.
- Sinabi ni Dr. Lowell Bautista, eksperto sa law of the sea at territorial at maritime disputes sa Asia-Pacific na mahalaga ang pagtatayo ng mga imprastraktura sa Kalayaan Island Group dahil pinatitibay nito ang presensya at aktuwal na pamamahala ng Pilipinas sa lugar.
- Tinukoy sa 2016 arbitral ruling sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS na nagsabing walang legal basis ang historical claims ng China sa South China Sea.
- Ipinahayag ng Australian Department of Defence na magpapatuloy sa buong 2026 ang regional presence deployments ng Australian Defence Force o ADF sa Indo-Pacific region
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





