KEY POINTS
- Lumabas sa pananaliksik ng Australian Institute of Family Studies ng 2021, na isa sa anim na matandang Australyano ang nag-ulat na sila ay nakaranas ng pang-aabuso.
- Sa mahigit 3,000 na ulat ng NSW Ageing and Disability Commission sa taong 2022 at 2023, 51.4 porsyento ng mga nireklamong nang-abuso ay ang mga anak ng inabuso. Kasunod nito ay ang kinakasama o asawa ng inabuso.
- Naglunsad ang pamahalaan ng awareness campaign na nagkakahalaga ng $4.8 million. Kabilang dito ang mga patalastas sa telebisyon, online video content at mga digital screens sa mga medical centre at mga bagong resource ng impormasyon para sa komunidad.