Itinataguyod ang kaligtasan sa tubig habang nililinang ang pag-aaral ng wikang Ingles ang pangunahing layunin ng programang ito.
Pinili ang sampung mga kababaihan - limang Pilipino at limang Tsino - upang maging bahagi ng proyektong 'Learning English through water safety', upang matuto ng paglangoy habang natututo ng wikang Ingles.
Ang komunidad Pilipino at Tsino ay kasama sa tala ng mga komunidad sa Australya na napaka-delikado (high-risk) pagdating sa tubig o karagatan. Ang proyektong ito ay pinamamahalaan ng Asian Women at Work at Philippine Australian Community Services Inc (PACSI) sa ilalim ng Water Safety Grant.
Ibinahagi ni Nelia Sungcad, community worker mula PACSI ang detalye ng programa na magtatapos nitong ika-13 ng Abril.