Matapos makinig sa Ambasador ng Pilipinas sa Australya at sa kanyang asawa, sa kanilang pagbibigay ng ilang kaliwanagan tungkol sa Pilipinas at ang relasyon nito sa Australya, at kung paano nga ba maging isang diplomatiko, tinanong natin ang dalawa sa mga estudyanteng dumalo sa gabi kasama ng mga ambasador. Larawan: Miguel Galsim (SBS Filipino / A. Violata)
Nakatuon ang tesorero ng ANU International Relations Society sa lawak ng trabaho ng mga diplomat at ang iba't ibang isyu na nasagot sa talakayan.
Samantala, para sa Pilipino-Amerikanong Aaron Xavier Quirante Wilson ang mag-asawang ambasador Minda Calaguian-Cruz at Luis T. Cruz ay may kaalaman tungkol sa Pilipinas na hindi matututunan sa paaralan.

Tinalakay ni Ambasador ng Pilipinas Minda Calaguian-Cruz kung paano nagsimula ang relasyong pang-doplomasya ng Pilipinas at Australya, gaano na ba kalayo ang narating nito, at saan na ito patungo.



