Kasama ng mga musika, mga patula, paindayog na pagsasalita at mga salitang madalas maririnig sa kalye, laman din ng mga awiting rap ang mga mensaheng patungkol sa mga pakikibaka at pagsubok sa buhay. Iyan ang madalas na tema ng mga liriko ng mga awit na gawa ng mga Pilipinong rapper.
Kadalasang totoo ito para sa maraming liriko ng mga awiting rap na isinulat ng mga Pilipinong rapper kahit na para sa baguhan tulad ng nakabase sa Sydney na si Klyde.
Ibinahagi niya kung paano siya nabigyang-inspirasyon ng kanyang mga kapatid noong siya'y nasa Pilipinas pa habang siya ay nakikinig sa kanilang pa-indayog na pagkanta na nagsasalaysay ng mga kwento ng mga araw-araw na pakikibaka ng mga tao.
Ang Rapper na si Klyde ay isa sa mga lokal na talento na magtatanghal sa palabas ng Gloc- 9 at Shantidope sa Sydney ngayong ika-3 ng Agosto sa The Metro Theatre.





