Pakinggan ang audio
Nalubog sa tubig baha ang maraming lugar sa Queensland at hilagang bahagi ng New South Wales.
Daan-daang residente na-stranded sa mga bubong ng bahay, habang ang iba naman ay sumakay na ng bangka para makaiwas sa rumaragasang baha patungo sa mga evacuation centres.
Apektado din ang mga pangunahing kalsada, dahil dito kanselado ang byahe ng tren at iba pang pampubliking transportasyon kasunod nito ang pansamantalang pagsasara ng maraming eskwelahan.
Highlights
- Pinakamabagsik na pagbaha sa Brisbane ay naitala noong 2011 kung saan nalubog sa tubig- baha ang 2.6 milyong katao, ito na ang tinaguriang pinakamalaking pagbaha sa kasaysayan.
- Daan-daang residente ang nanatili sa bubong ng kanilang bahay ng ilang oras matapos naging pahirapan ang pag-rescue ng emergency services.
- Australian Defence Force tumulong sa pag-rescue ng mga biktima ng baha, matapos binaha ng tawag ang SES para sa mga humihingi ng saklolo.
Ayon kay Diana Eadie mula sa Bureau of Meteorology, kahit humina na ang pag-ulan patuloy pa din ang banta na dalang peligro ng pagbaha lalo na sa mga mabababang lugar.
" Humina na ang ulan sa mga lugar sa timog-silangang bahagi ng Queensland pero may banta pa din ng pagbaha sa mga lugar sa katimugang bahagi ng Gold Coast at Scenic Rim.
Malakas pa din ang mararansang ulan sa hilagang silangan bahagi ng New South Wales na maging sanhi ng mga pagbaha sa maraming lugar."





