Paninirahan sa rehiyonal na Australya

Australian passport

Australian passport Source: SBS

Halos lahat ng bagong dating na migrante ay nanirahan sa Melbourne at Sydney noong isang taon habang nagdudusa ang rehiyonal na Australya sa isang lumiliit na populasyon. Nag-alok ang gobyerno ng Australya ng bagong landas patungo sa permanent residency sa mga migrante sa kasunduang sila ay mananatili sa mga rehiyonal na lugar ng apat na taon.


Hindi na estranghero si Farvardin Daliri sa migrasyon.

Ang mga diskriminasyon na kanyang naranasan bilang bahagi ng relihiyon sa Iran ay nagdulot ng kanyang paglipat sa India. Nang mawalan ng bisa ang kanyang pasaporte dahil sa pagbabago ng gobyerno sa kanyang sariling bansa ay lumipat siya sa Melbourne.

“I came for an Australian experience and the Australian experience was not possible in Melbourne because very quickly, we’re attracted to our own like-minded, same religion, same language group," sinabi niya.

"That was the extent of the experience in Australia, which was contained within the same cultural identity group. I lived there for a few years in Melbourne, then I felt that I wanted just something more, more different, more exciting, more real to the land, then, I moved out."
3943220a-21a1-49c8-a3b3-528c51617455
Townsville Airport
Townsville Airport
 

Mahigit 30 taon na simula nang tumira sa Townsville si Daliri kung saan siya ay nagpapatakbo ng Townsville Intercultural Centre at bumubuo ng mga taunang fiesta ng kultura sa kanyang bayan.

“In those days, people would say Townsville was the Australian capital of racism but that didn’t bother me because I come from the experience of far harsher and legitimised racism back in the place where I come from," sinabi niya.

"So, for me, it was an adventure. People are basically some of the best you can get in the world. You can be friends with them. They will accept you eventually. You will get along. You’re not excluded in a legitimate way.”

Ang lumiliit na populasyon ng rehiyonal na Australya

40 porsyento ng ekonomiya ay nagmula sa rehiyonal na Australya kung saan isa sa tatlong manggagawa ang kanilang kinukuha upang magtrabaho.

Kabilang dito ang lahat ng mga bayan, maliit na siyudad at mga lugar sa labas ng Sydney, Melbourne, Brisbane, Perth, Adelaide at Canberra. 

Gayunpaman, maraming mga rehiyonal na lugar ang nahihirapang mabuhay dahil sa lumiliit na populasyon.

Nakita ng magsasaka na si Stuart McAlpine ang shire of  Dalwallinu bilang isang rehiyon ng pagsasaka at lugar ng tumatandang komunidad. Naisip niya magtayo ng isang proyektong repopulation taong 2010 at nakatanggap ng malakas na suporta mula sa lokal na konseho.

"The population has been in decline and numbers in the school were declining to a point where it was probably evident that the numbers weren’t going to sustain keeping that school open," sabi niya.

"So initially, it was instigated to try and bring people back into our little community and bolster the population to keep the primary school going."

Hindi madaling makaakit ng mga migrante na lumipat 263 kilometro Hilaga ng Perth. Ang karera ni Mc Alpine laban sa oras ay hindi naging mabilis upang maligtas ang lokal na paaralan.

e58d6723-b611-478f-a24f-9c50dbd29410
SBS News

“Which meant that for me to attract workers on to the farm or future generations, then, you know this is 70 kilometres direct route to the nearest primary school, and in fact, they closed another school down at the same time, so there’s a distance of 105 km between primary schools between Perenjori and Dawallinu, which is obviously not conducive to attracting young people back into the agriculture industry.” 

Ang Regional Repopulation Advisory Committee na sinimulan ni Stuart McAlpine ay tumagal ng ilang taon bago nito tuluyang naitaas ang populasyon ng Dawallinu.

Kinailangan nilang malabanan ang mga hadlang sa wika sa pamamgitan ng pagpapatakbo ng mga klase sa Ingles ganun din ang pagresolba ng problema sa pabahay ngunit ang mga resulta ay naging maganda.

“We sort of started having families coming out and integrating into the school and it just basically snowballed so we’ve seen increases of up to 15 per cent," sabi niya.

"Even though we’ve lost the little school that was only 12 students at the time, we’ve seen the population in the Dawallinu school basically doubled from sort of 120 odd to sort of 220 odd, and now we’re starting to see them integrate into the outer community and the sporting and sort of some of the service stuff as well. And now, I think we’re very close to just having them surpass nearly 100 of these people becoming Australian citizen as well.”

Pag-pares sa mga rehiyonal na lugar sa mga bagong migrante mula sa siyudad

Nakita ng eksperto sa microfinance na si Mahir Momand ang isang lohikal na solusyon sa pag-pares ng mga rehiyonal na lugar para sa mga bagong migrante mula sa mga siyduad.

Pinapatakbo niya ang Regional Opportunities Asutralia (ROA), isang non-profit na organisasyong namamahala sa paglagay ng mga tarabaho at paglipat ng mga migrante sa mga rehiyonal na lugar.

"When they arrive in Australia, about 80 per cent of them settle in big cities," sabi niya.

"On average, I would say that clients that we are currently working would have been living in big cities for 3 to 5 years and still they haven’t found employment in their own field or haven’t found employment at all. These are the people who are very keen to go to regional Australia, to move there permanently and make it their own home."
c3088011-ece2-4849-b54b-2586c0bf74fe
Pexels

Mas mataas na pagkakataong makapagtrabaho

Sinabi sa 2011 Census na ang pag-alis ng mga tao mula sa mga malalaking siyudad ay nagbibigay sa kanila ng mataas na pagkakataong makahanap ng trabaho dahil sa mas konting kompetisyon mula sa mga siyudad.

Isang halimbawa ay 61.3 porysento ng mga migrante sa siyudad ay nagtatrabaho ng taong iyon kumpara sa 78 porysento na antas ng labour force participation ng mga residenteng ipinanganak sa ibang bansa na nasa mga malalayong lugar.

Nahirapan makahanap ng trabaho ang taga-Nigeria na si Suraj Adebayo Opatokun ng ilang taon sa kabila ng isang nakumpletong iskolarship sa Environmental Science mula sa Macquarie University. 

Di nagtagal ay nakahanap siya ng trabaho bilang meat inspector sa kanyang unang pagsubok sa rehiyonal na Australya at sinabing ang paghahanap ng trabaho sa rehiyonal na lugar ay mas madali kumpara sa mga kompetisyong hinarap sa Sydney.

"Very very hard. It’s been a very nasty experience as a graduate and for more than 3 years, I’ve been looking for stable work and that’s not been realistic. I’ve not gotten any job until this one," sabi niya.

Mga kwalipikadong migrante

Ilan sa mga kliyente ng ROA ay mga migrante at mga baguhang graduate. Ilan sa kanila ay mga doktor na nagsanay sa ibang bansa  at mayroong Australyanong citizenship na nahirapang maghanap ng trabaho sa syudad.

Sinabi ni Momand na kasali sa paglipat ng mga tao sa rehiyonal na Australya ang pagtagpo sa mga iba't-ibang batayan.

“We look into the health system; we look into schools, availability of jobs and small businesses," sabi niya.
Magtiwala sa komunidad at tanggapin ang mga Australyano sa kung sino sila at makipag-ugnay sa kanila dahil kung hindi tayo tutulong at maninindigan, hindi natin maaasahan ang mga tao na lumabas at makipag-ugnay sa iba dahil sa takot.
"How ready the community is to welcome newcomers because it's very important that when people move to new areas that locals actually embrace them and work with them,"

"So there is a very diverse range of things that we consider before we identify an area as what we call right and ripe regional area to which we place people."

Paglipat sa siyduad

Nalaman sa demograpiko ng Australian National University na mahigit 60 porsyento ng mga bagong migrante na nanirahan sa mga rehiyonal na lugar ay lumipat sa mga malaking siyudad sa loob ng limang taon base sa 35 taon na datos.

Ito ay isang trend na pwedeng mabaliktad sabi ni Farvardin Daliri. Dinadala niya ang mga ipinanganak sa Townsville na partisipante at mga bagong dating sa mga programang youth leadership na kanyang pinapatakbo.

Naniniwala si Daliri na ang matagumpay na integrasyon ay tungkol sa pagtanggal ng stigma mula sa negatibong mga media coverage kundi sa pamamgitan ng pagtanggap sa mga pagkakaiba.

“Trust. I trust the system," sabi niya.

"Trust the community, and accept Australians for who they are and connect with them because unless we shake a helpful and friendly hand unless we step out, we cannot expect people who are being terrified by the media come out and hug everybody.”

Panoorin ang SBS reality series na Struggle Street upang malaman ang mga hamon ng ilan sa mga naghihirap na komunidad sa rehiyonal na Australya.

Ang Season 3 ng Struggle Street ay lalabas sa Miyerkules  ika-9  ng Oktubre at magpapatuloy sa Miyerkules. May streaming din sa SBS On Demand pagkatapos ng pagpapalabas.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand