Highlights
- Ang lupus ay isang autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ang sarili nitong tissue at organ
- Sa loob ng ilang taong pag-meditate, naging 0 ang lupus dna antibody blood test niya mula 1200
- Hikayat niya sa mga lumalaban sa sakit na huwag mawalan ng pag-asa at maging bukas sa paggaling
Ang Lupus ay isang autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ng katawan ang sarili nitong tissue at organ. Nagkakaroon ng pamamaga na maaring makaaepkto sa iba't-ibang bahagi ng katawan kabilang ang joints, skin, kidney, blood cells, brain, heart at lungs.
Sa murang edad na labing walo ay na-diagnose si Anna Garcia ng Lupus. Ayon sa kanyang doktor, walang gamot ang kanyang sakit.
Ngunit makalipas ang ilang taon, lupus free na siya sa tulong ng maagang diagnosis, gamot, pag-iwas sa stress, at ang pinakamalaking tulong, aniya sa kanyang paggaling ay ang pag-practice niya ng meditation at positbong pag-iisip.
Ngayon, nais niyang magsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa mga may pinag-dadaanang mga autoimmune disease.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.