Mababang kumpiyansa sa trabaho, ramdam ng ilang Pilipinong hirap mag-English na may Australian accent

Australian English Accent

Source: Getty images

Lumalabas sa ilang pag-aaral na nakakaramdam ng kawalan ng halaga at importansya ang isang taong walang accent sa pagsasalita ng English sa kanyang trabahong pinapasukan.


Nang dahil sa isang pirasong butter, nakaramdam ng diskriminasyon at pagkapahiya sa sarili ang 36 anyos na si Karina Mendoza, isang personal health worker sa isang aged care facility sa Brisbane.

Nag-aagahan ang mga matatandang kanyang inaalagaan nang humingi sa kanya ang isa sa mga ito ng butter sa isang maliit na pakete.

Kaagad naman siyang lumapit sa isang bintana kung saan naroon ang mga nag tatrabaho sa kitchen.

 

"Eh di ako ay nagmadaling maglakad sabi ko….Hi can i please have some butter?"

Pero tila nanlaki ang mata ng kanyang kausap na babae… 

"What?" 

"Malakas nitong sabi sa akin. Kaya agad kung inulit ang aking sinabi."

"Biruin mo tatlong beses kung inulit sa kanya ang salitang  “butter” bago niya iyon naintindihan."

"Butter… batter, battttterrrrr!"

Aminado siyang medyo napahiya, lalo at marami ang nakarinig sa aming usapan ng mga oras na iyon.

Naisip tuloy niya na baka sinadya lamang ng babaeng iyon na mapahiya siya, bagay na hindi naman daw niya gaanong seneryoso. Bagkus ay tinawanan lamang nila ang insidente.

Kaya naman sa break time niya agad siyang nagpunta ng banyo at sinearch kung paano nga ba bigkasin ang salitang butter. Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nagkaproblema siya, madalas lalo na kausap niya ang mga katrabaho at ang mga matatandang kanyang inaalagaan. Hindi kasi siya sanay magsalita ng may accent.

Ang accent ay mahalagang bahagi ng pagkakakilalan ng isang tao. Dahil dito malalaman mo kung saan bansa ito nagmula, alam mo agad kung ito ay isang Pilipino, Indian, Japanese maging mga tao sa Europa at iba pa.

Ayon sa mga pag-aaral lumalabas na nagkakaroon ng problema o nakakaramdam ng kawalan ng halaga at importansya ang isang taong walang accent sa pagsasalita ng English sa kanyang trabahong pinapasukan.

Halimbawa na lamang ay kung manirahan ka dito sa Australia.

English ang pangunahing salita dito at halos lahat sila ay may accent, at aminin man o hindi minsan mahirap talagang silang intindihin.

Lumalabas din umano sa mga diskusyon sa social media  na maaring maapektuhan ang pananaw ng isang employer o taga-pamahala kung hindi ka bihasa sa pagsasalita ng English lalo na kung walang native accent.

Maaa rin umanong tingin nila sa mga walang accent ay hindi gaanong matalino o magaling dumiskarte. Bagay na marami ang hindi sang-ayon dito.

Kaya naman ilang panukala ang binubuo ng ilang grupo ng mga tao para alisin ang kaisipang ito para tuldukan ang mga ganitong sitwasyon maaring magmula ang pagbabago sa isang kumpanya.

Maaring bago magsimula ng trabaho ay sumailalim sila sa mga training, para bigyan ng pansin ng kahalagahan ng pag-aadjust sa isat-isa. Lalo na kung mula sa iba't-ibang lahi ang mga empleyado.

Magkaroon ng mga regulasyon at alituntunin para mabawasan o maiwasan ang diskriminasyon sa loob ng trabaho.

Magkaroon ng mga aktibidad tulad ng mga team building na sumesentro sa kahalagahan ng pag-unawa sa sitwasyon ng bawat isa.kung talagang hindi maunawaan, isulat sa isang papel o gamitin ang body language.

Tandaan na ang pagsasalita ng English na may accent ay hindi batayan ng estado at kaalaman sa buhay kundi isang lamang itong lengwahe.

Gayon pa man sana ay matuto din makibagay at bigyan ng pansin ang kahalagahan ng maayos na kumunikasyon, hindi ka man matuto ng native na accent, mahalagang maunawaan mo naman ang kanilang sinasabi, sa huli hindi na mga salita ang mag-uusap kundi ang respeto at pang-unawa sa isat isa ang magkakaintindihan.

BASAHIN/PAKINGGAN DIN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand