Naging mahirap na taon ang 2022 para sa 2.3 milyong small and family-owned na negosyo sa Australia. Marami ang nakaranas ng labis na stress at ilang negosyo ay nagsara dahil sa pressure sa pera. Isang mag-asawa na nagbenta ng kanilang negosyo ang nangangalap ngayon ng pondo para makatulong sa iba.
Key Points
- Two-thirds ng mga negosyante sa Australia ang nakaranas ng psychological stress, ayon sa Australian Small Business & Family Enterprise Ombudsman.
- May tulong mula sa mga mental health coaches ng Beyond Blue na pwedeng magamit ng mga maliliit na negosyante.
- Ang mag-asawang Erwin at Monique van Fleet ay nangangalap ng pondo para sa Beyond Blue, para makatulong sa iba na makapagsimulang muli.
Inaasahang lalala ang mga kondisyon para sa mga negosyo nitong 2023.
Mas mababa ang paglago ng ekonomiya at tataas ang utang ng mga negosyo, ayon sa pagtatantsa ng credit reporting bureau na CreditorWatch.
Sinabi ni Ombudsman Bruce Billson, ang paghingi ng payo ay mahalaga para makatulong na pamahalaan ang mga hamon, kabilang ang mas mataas na mga interest rate at pagtaas ng mga gastos, habang ang ilan ay haharap sa mas mahihirap na opsyon.






