Habang patuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na niyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, nagsisimula na ring kumilos ang mga Filipino community group sa Australia upang magbigay ng tulong sa mga naapektuhang kababayan.
Key Points
- Mahigit 32,000 pamilya ang naharap sa epekto ng sakuna matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Mindanao, ayon sa NDRRMC.
- Ayon kay Alric Bulseco ng Australia Mindanao Multicultural Communities Inc. o AUSMin, inilunsad nila ang "Mindanao Earthquake Appeal" upang makapagbigay ng agarang humanitarian assistance sa mga komunidad na higit na naapektuhan ng lindol.
- Iniulat ng Department of Education (DepEd) na halos 200 silid-aralan ang nawasak habang 267 pampublikong paaralan sa 14 lalawigan ang naapektuhan ng pagyanig.
- Nagpahayag din ng pakikiramay at pagpapabot ng tulong ang international communities kabilang ang United Nations at global partners ng Pilipinas kasama ang US, New Zealand, Australia, at Japan na nagsabing handa silang magpapadala ng tulong.
- Pinaalalahanan din ang publiko na bago magbigay ng donasyon, tiyaking beripikado at lehitimo ang charity organisation o community group na nangangalap ng pondo.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





