Key Points
- Mula sa Pampanga ang pamilya ng magkapatid na Danielle David, 13, at Daphne David, 10. Taong 2014 nang dumating sa Australia ang kanilang mga magulang upang maghanap ng mas magandang kinabukasan para sa mga anak.
- Ang pagkahilig manuod ng musicals ang nagbigay ng inspirasyon sa magkapatid na David na pumasok sa modelling, musicals at acting sa big screen.
- BigW, Barbie, ResMed, Unusual Suspects (Australia) ang ilang lang sa ginawang proyekto ng magkapatid. At isa sa kanila ay kasalukuyang nag-aaral sa Nepean Creative and Performing Arts School sa Australia para sa pangarap sa teatro at broadway.
- Ayon sa ulat ang cultural at creative sector sa Australia kabilang ang sining, performance, pelikula, telebisyon, at musika ay nag-ambag ng humigit-kumulang $67 bilyon (AUD) sa ekonomiya noong 2023–24, na katumbas ng 2.5% ng GDP. Noong 2021, tinatayang 282,000 katao ang nagtatrabaho sa sektor na ito.
Taong 2014, dumating sa Australia ang pamilya David mula sa Pilipinas at purong tubong Pampanga ang mag-asawa.
Kasama nila ang tatlong anak at dito sa Australia ipinanganak ang bunsong si Daphne.
Sa Pilipinas ilang taong nagtrabaho sa academe si Francis ang haligi ng tahanan, habang sa marketing sa isang malaking kumpanya naman si Cherrie.
Walong taon bago na-grant ang kanilang visa, subalit pinili ng mag-asawa na umalis sa bansa para sa mas magandang kinabukasan ng mga anak.

Ever since I watched musicals at 8, I became interested in acting and modelling, so I practiced at home. I just hope to inspire other kids and follow my dreams, because we only live once.Danielle David, actor/model

Ang pangatlo sa kanilang mga anak si Danielle (13) at pinakanbunso si Daphne (10) ay nahilig sa acting, modelling, at musicals. Ang dalawa self-taught talents na nagpa-practice sa bahay at nagtutulungan sa bawat eksena.

Sa kabila ng kanilang tagumpay sa commercials, teatro at TV, pinapahalagahan nila ang pag-aaral, disiplina, at integridad. Pinagmamalaki ng mga magulang, sina Francis at Cherrie, ang lahat ng kanilang anak—ang dalawang bunsong magkapatid at ang nakatatandang mga anak na nag-eexcel sa kani-kanilang larangan.

It feels great to have people looking up to you it makes you want to do it even more.Daphne David, actor/model

Ang kuwento ng pamilya David ay patunay na sa sipag, tiyaga, at suporta ng pamilya, maabot ang pangarap nang may integridad, saya, at inspirasyon sa iba.
RELATED CONTENT

Pinoy Pride
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.









