Ang gym sana ang nagsisilbing quarantine facility ng munisipyo pero buti nalang at walang tao sa pasilidad nang mangyari ang lindol.
Isa pa sa matinding pinsala ay ang pagkasira ng ilang ekipo sa opisina ng PAG-ASA. Ayon kay engineer Allan Ribo, bukod sa mga crack sa kanilang gusali ay nasira rin ng lindol ang flexible at rectangular wave guide
nila kaya apektado ang kanilang monitoring ng local weather.
Nasa 30 bahay naman ang naitalang partially damaged sa iba't-ibang barangay dito sa Hinatuan.
Sa assessment ng LGU, aabot ng mahigit 3 milyong piso ang damage ng lindol.
Samantala, muling itinaas sa General Community Quarantine status ang Davao City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng covid 19 sa syudad.
Ibig sabihin, limitado na ang galaw ng mga tao at ang papayagan na lamang lumabas ay ang mga authorized persons outside residence, ang mga bibili ng pagkain at gamot at ang may mga emergency cases.