Ang Maharlika Lodge ay nasa St. James Terrace. Ito ay Isang lugar para sa mga Pilipinong nangangailangan ng na pag-aalaga at para sa mga kamag-anak na nangangailanagn ng pahinga sa 24/7 na pagkalinga at aruga sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang lugar na ito ay bunga ng ilang taong pagsisikap ng Australia Filipino Community Services (AFCS).
Maharlika Lodge: Kumakalinga sa mga matatandang Pilipino

Source: Supplied by Norminda Forteza AFCS
Nagtipon ang mga Pilipino sa Victoria para sa paglunsad ng cultural wing, isang natatanging lugar para sa mga Pilipino na may dementia. Ibinahagi nina Dr. Maurice Sanoza at Dr. Lourdes Joson mula Dementia Society of the Philippines ang kahalagahan ng lugar na ito.
Share