Highlights
- Sa average, isang babae sa Australia ang namamatay kada 9 na araw sa kamay ng kanilang kasalukuyan o dating kapareha.
- Halos 500 eksperto ang nag-ambag sa "stakeholder consultation” report ng Monash University, hangad nito na maging basehan ng susunod na Pambansang Plano ng Australia para mawakasan ang karahasan laban sa kababaihan at mga bata.
- Binalangkas ng ulat na kailangang magkaroon ng mas naka-target at espesyal na programa para sa mga marginalized na komunidad, tulad ng mga kababaihan at batang First Nations, LGBTQI+ na komunidad, mga kababaihang migrante at refugee, mga taong may kapansanan at mga kababaihan sa rural at regional areas.
Pakinggan ang audio






