Key Points
- Aprubado na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang panukala ukol sa isaandaang pisong dagdag sa arawang minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
- Hiling ng Kilausang Mayo Uno itaas sa 1,200 pesos ang minimum na sahod ng isang manggagawa na itinuturing na family living wage.
- Maglulunsad ang DSWD ngayong taon ng programang sesentro naman sa mga “near poor,” na sumasaklaw sa mga minimum wage earners at ang mga nagtapos sa 4ps o sa pantawid pamilyang pilipino program.Tatawagin itong AKAP o Ayuda Para Sa Kapos Ang Kita Program.
Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ni Enrile sa pag-unlad ng Pilipinas.
Para sa pangulo, natatangi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Enrile ngayon dahil pambihira aniya ang umaabot ng isandaang taon na puno ng achievement, serbisyo at tungkulin.
Pinasalamatan naman ni Enrile si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. At dating First Lady Imelda Marcos, sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapagsilbi sa bansa sa ilalim ng administrasyon nila.
Ayon kay Enrile, ang kanyang karera sa ilalim ng Marcos Sr. administration ang isa sa pinakamasayang mga sandali sa kanyang buhay.



