Nagsimula lamang sa biruan ang pag-a-apply sa Australia ng noo'y dalaga na si Josephine Carreon kasama ang apat niyang kaibigan. Ngunit sa kanilang lima, siya lamang ang pinalad na mabigyan ng visa, isang pagkakataong tuluyang nagpabago sa direksiyon ng kanyang buhay at 50 taon na siyang naninirahan sa Australia.
Key Points
- Isang matapang na desisyon ang nagpabago sa buhay ni Josephine Illescas Carreon nang nabigyan ito ng pagkakataong mag-migrate sa Australia.
- Limang dekada nang nagsisilbi sa komunidad si Jo Carreon na sinimulan ng kanyang yumaong asawa na si Manuel, partikular sa mga Pilipino sa Gold Coast.
- Kasama ng Filipino Australia Communty Gold Coast, patuloy na nagbibigay-inspirasyon ang dating negosyante sa mga kababayan, tumutulong sa mga nangangailangan at pinagyayaman ang kulturang Pilipino.
Bilang isa sa mga lider ng komunidad ng mga Pilipino sa Gold Coast, buong pasasalamat na binalikan ng tubong-Bulacan ang naging desisyong mag-migrate sa Australia, isang hakbang na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanya at kung saan niya nabuo ang kanyang pamilya.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.





