Key Points
- Ayon sa pinakahuling datos ng Tourism Research Australia, umabot sa $3.66 billion ang visitor expenditure sa Canberra mula October 2022 hanggang September 2023.
- Mahigit sa 5.68 million na visitors ang bumisita sa kapitolyo. Nanggaling ang karamihan ng mga turista mula sa New South Wales at Victoria.
- Patuloy naman ang pagdami ng international visitors na kasalukuyan ay 63 per cent of pre-COVID levels.
Sa karagdagang balita, inanunsyo ng Philippine Embassy sa Canberra ang pagbubukas ng nominasyon para sa 2024 Presidential Awards for Filipino Individuals and Organisations overseas.
Ang biennial Presidential Awards ay naglalayon na kilalanin ang mga natatanging overseas Filipinos o grupo na nagcontribute sa pag-advance ng Philippine development initiatives o cause at interest ng Filipino diaspora overseas.
Ang mga awards na maaring mapanalunan ay ang Lingkod sa Kapwa award, Banaag Award, Pamana ng Pilipino Award at Kaanib ng Bayan Award.
Para sa mga nagnanais na mag-submit ng nominasyon, makipag-ugnayan lamang sa Philippine Embassy sa Canberra. Magsasara ang nominasyon sa Australya sa ika -15 ng Abril 2024.




