Manny Pacquiao nakahandang ipagtanggol ang titulo ng WBA welterweight laban kay Adrien Broner

Manny Pacquiao v Adrien Broner

WBA welterweight champion Manny Pacquiao, poses for photos at a boxing club in LA, Jan. 9, 2019. Pacquiao is scheduled to defend his title against Adrien Broner Source: AAP Image/AP Photo/Damian Dovarganes

Nakahanda na ang Pilipinong kampeon sa boksing Manny Pacquiao na ipagtanggol ang kanyang World Boxing Association regular welterweight title sa Linggo sa Las Vegas laban sa Amerikanong Adrien Broner.


Ibang balita mula Mindanao:

Pangulong Rodrigo Duterte pangungunahan ang isang pagpupulong ng kapayapaan at rali sa Cotabato City sa Biyernes para sa pang-wakas na pagtulak ng Bangsamoro Organic Law sa plebisito sa Lunes, Enero 21;

 

Dagdag na mga tauhan ng pulisya at militar nakatakdang ipakalat sa Cotabato City pagkatapos ng deklarasyon nito noong Martes sa ilalim ng kontrol ng Commission on Elections sa buong panahon ng halalan;

 

Mga opisyal ng Cagayan de Oro City nagprotesta noong Martes sa pagkakasama ng lungsod sa listahan ng mga hotspot na inilabas ng Philippine National Police para sa darating na lokal at pambansang halalan sa Mayo13.

Senador Antonio Trillanes IV sumagot nitong Martes na hindi 'guilty' sa apat na bilang ng libel na isinampa sa Davao City ng dating Vice Mayor at presidential son Paolo Duterte at bayaw nito na abogadong Manases Carpio noong nakaraang taon.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand