Sinimulan ng mga senior sa Australya at Pilipinas ang bayanihan sa pamamagitan ng 'Eggs for Growth' isang manukan upang magkaroon ng mapagkakakitaan ang mga seniors sa Pilipinas ng hindi umaalis ng kanilang bakuran.
Key Points
- Ang ideya ng proyekyto ng manukan ay sinimulan ni Dr. Ma. Asuncion Beltran bilang ka-partner ng kanyang backyard farming para kambing.
- Si Dr. Ma. Asuncion Beltran ay nakapag tapos ng Masters in Tropical Veterinary Science mula James Cook University sa Queensland.
- May 18 walong ang ibibigay sa isang mag-anak upang mangitlog at maaring ibenta ang sobrang supply ng itlog.
Maliban sa income generating, para sa aming mga seniors nagbigay siya ng inspirasyon, nagbibigay siya ng purpose nakakatulong din sa pamilya.Grace Lachica Flores, coordinator ng Eggs for Growth tungkol sa benepisyo ng Eggs for Growth project sa buhay ng mga senior

Ang goal di lamang sa nutrition nila, mayroon din mapagkakakitaan. Marami ang umaasa lamang sa kita ng mga asawa nila. Farming and carpentry ang mga trabaho, eh kung may tatlo kang anak, paano mo mapagkakasya iyon? Sabi ng mga babae sa aming needs assessment interview, gusto nila ng mapagkakakitaan nasa kanilang mga bakuran, habnag inaalagaan nila ang kanilang mga anak at mga kailangang gawin sa bahay.Dr. Ma Asuncion Beltran, consultant para sa proyekto Eggs for Growth
Share




