KEY POINTS
- Ang "freebirth" o "wild birth" ay ang panganganak ng isang babae sa labas ng ospital na walang tulong mula sa mga health professional tulad ng midwife o doktor.
- Narinig ang mga testimonya ng mga kababaihang nakaranas ng birth trauma sa mga ospital sa New South Wales sa ginawang birth trauma inquiry. Weight shaming, kakulangan sa pain relief at impormasyon ang ilan sa mga dahilan ng birth trauma ng mga kababaihan.
- Ayon sa pag-aaral, may mabuting resulta sa mga planadong home birth sa tulong ng mga midwife na may magandang maternity system lalo na sa mga inang low risk ang pagbubuntis.