Dagdag pa ni Struthers na "isa sa mga mantra para sa taong ito ay mayroong isang bagay para sa lahat", nagpapahiwatig na ang pagdiriwang ay umaabot sa LGBTQI at di-LGBTQI na komunidad.
Ang "pagkakaiba-iba ng genre ng pelikula, iba't ibang lahi sa mga pelikula, at mga bansa, at pagkakaiba-iba ng sekswalidad sa pelikula" ay naaayon sa mantra na ito.
Isang forum tungkol sa 'Kahalagahan ng Queer Cinema sa Asya Pasipiko' ay magaganap kaalinsabay ng mga pelikulang gawa sa Australya at ibang bansa.
Dadaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Asia Pacific Queer Film Festival Alliance, isang pakikipagtulungan sa ilang mga lokal at Asya Pasipiko na queer film festivals.
Kasama sa Mardi Gras Film Festival ang mga pelikulang nominado sa Oscars - ang Moonlight, The Revival: Women and the Word, Out of Iraq, 1:54 at Coming Out.
Ang Out Run, isang dokumentaryo tungkol sa una sa mundo na LGBTQI partidong pulitikal sa Pilipinas, ay ipapalabas din sa MardiGras Film Festival.
Para sa dagdag na impormasyon magtungo sa www.queerscreen.org.au.



