Si Mariam Arcilla ay isang manunulat, curator, at arts marketer na nakabase na ngayon sa Sydney. Ang kanyang hilig sa sining at pag-aayos ng espasyon ay nag-ugat mula sa kanyang pagiging anak ng isang mahilig bumiyahe na stewardess na ina at isang ama na visual artist at musikero. Sa nakalipas na dekada, kanyang na-profile ang mga Australyano at mga internasyonal na artist sa pamamagitan ng mga eksibisyon, paglalathala, pagtatanghal at pinagsamang mga proyekto.
Nagsimula siya sa kanyang karera sa Gold Coast sa pagtatag ng Rabbit & Cocoon creative precinct, 19 KAREN Contemporary Artspace, at TinyGold artist-run project. Nagtrabaho din siya kasama ng pamahalaang Queensland sa mga programa na pinag-uugnay ang mga alagad ng sining sa kanilang komunidad.
Si Mariam ay nagsusulat tungkol sa sining, disenyo, fashion at arkitektura para sa VAULT: Australasian Art & Culture, Broadsheet, at Neue Luxury. Ngayong taon, siya ay may mga proyekto ng curating poara sa Institute of Modern Art (Brisbane) at The Walls (Gold Coast).