Ang kanyang pagtatanghal sa kanyang post graduate sa University of NSW, na may pamagat na "Halo-halo" ay siyang tugatog ng kanyang awtobiograpikal at kultural na pananaliksik. Ayon kay Marikit, ang Halo-halo, isang sikat na Pinoy dessert, ay isang talinghaga ng "[...] pagpapatong-patong ng mga pamamaraan, ideya at kultura" at "isang komprehensibong pagpapakita ng kanyang pagsasanay".
Sa huling bahagi ng taong ito, ang kanyang mga gawa ay kasama sa "Balikbayan" sa Blacktown Arts Center, isang eksibisyon ng mga sining ng ilang Pilipinong sining - ang "Bayanihan Philippines project".
Si Marikit Santiago ay isang finalist para sa Archibald Prize noong 2016.