Key Points
- Inilabas kamakailan bago ang ginaganap na Jobs and Skills Summit ang sampung trabaho na may kritikal na kakulangan sa manggagawa at isa dito ang Early Childhood teacher.
- 2021 nang inilunsad ng Victorian Government ang scholarship kung saan mabibigyan ng $25,000 ang mag-aaral ng early childhood bachelor degree.
- Tumataas lalo ang demand ng nasabing propesyon matapos gawing libre ang kinder ng Victorian Government para sa 2023 at pagtatayo ng mga bagong childcare centre.

How to listen to this podcast Source: SBS
Hindi na nabigla si Shirley na mapasama ang kanyang propesyon na early childhood teaching sa sampung pinakakritikal na may kakulangan na trabaho sa Australia.
2019 ng kumuha si Shirley ng Certificate in Early Childhood Education and Care at itinuloy niya ito sa Diploma.

Early Childhood Educator Shirley Aran-Rodriguez
"Ang maganda dun kapag nakapag enroll ka na, bibigyan ka na agad ng $10,000 once na nakaenroll ka na sa course. After that, ibibigay sayo yung remaining kapag nakagraduate ka na and the rest kapag nakapagtrabaho ka na as early childhood teacher."
Bukod sa $25,000 na scholarship sa mga mag-aaral ng early childhood bachelor degree, makakakuha naman ng $12,000 ang mag-aaral ng graduate diploma at $18,000 ang masters qualification.

Early Childhood Educator Shirley Aran-Rodriguez Credit: Shirley Aran - Rodriguez
Abril ngayong 2022 dumating at nagsimulang mag-aral sa Australia ang 23-anyos na si Ericha pero tatlong buwan pa lamang ay nakapasok agad ng trabaho sa nasabing sektor.
"Nakapasok na ako sa childcare na malapit samin, isa po sa mga kagandahan na pwede ka makapasok kahit working towards ka pa lang, educator na agad pero yung rate hindi kasing taas na nasa certificate 3 but thats okay kasi nakakagain na ako ng experience," kwento ni Ericha.
Malaking bagay anya ang tyempong pagpasok niya sa Australya sa gitna ng matinding kakulangan sa early childhood teachers.
At kahit mahal ang naging tuition at pagbabayad sa migration agent, tila magandang puhunan ito lalo pangarap niyang manirahan sa Australia.
"Kung mabibigyan po ng pagkakataon na maaring maging PR o permanent resident at para maging stable na rin at magamit ko po yung pinag-aralan ko din, dream country ko po ang Australia so why not stay here."

Early Childhood Teaching student Ericha Onggon
Ayon kay Correna Haythorpe na Presidente ng Australian Education Union, maraming guro ang nakakaranas ng mabigat na pressure sa pagtuturo.
"Teaching out of field - which is when you are teaching subjects that you have not been trained for or qualified for - is a significant issue. We know particularly for rural, regional and remote locations that many teachers are teaching out of field and this increases their workload and the pressure on them."
Kaya ang pagtugon sa burnout o pagod ang sentro ng bagong taskforce ng gobyerno kaugnay sa kakulangan ng mga guro.
Bahagi ito ng pag-aayos ng gobyerno sa mga sektor ng pag-aalaga na inihayag ni Punong Ministro Anthony Albanese sa pagsasalita nito sa National Press Club.
Over the next decade we'll need more educators and more carers and more nurses in every part of our system. We won't do that with broken institutions and burnt-out staff.Prime Minister Anthony Albanese