Key Points
- Nagtapos na 4th place ang Matildas sa World Cup matapos silang talunin ng Sweden sa 2-nil.
- Inianunsyo ni Prime Minister Anthony Albanese ang $200 milyon na pondo para sa women's sport, na nabigyang-inspirasyon ng Matildas.
- Ang 2023 Women's World Cup ang pinakamatagumpay na torneo ng Australia - dinaig nito ang pang-anim na pwesto noong 2007.
Ito ang huling hurrah ng Matildas sa Women's World Cup sa taong ito na maaalala ng Australia sa mga susunod na taon.
Panghahawakan ng koponan ang pamana na nilikha nila para sa sport ng mga kababaihan sa buong bansa, umaasa na higit pang maipagpapatuloy ito.
Nakatakda na ang susunod na target ng Matildas: ang 2024 Olympic Games sa Paris.