Key Points
- Mahalaga na maging bahagi ng solusyon ang karanasan ng pangkaraniwang commuter.
- Kailangan ng maayos na pagplaplano at magkaroon ng short-meduim at long term solutions.
- Mahalaga ang 'universal accessibility' mula sa daloy ng pampublikong transportasyon, pedestrian lanes at ng accesibility sa pangangailangan ng lahat uri ng commuters.
Naka usap ng SBS Filipino si Dr Gina R. Gatarin, Research Fellow para sa Urban Transformations Research Centre (UTRC), Western Sydney University. Ipinaliwanag niya ang ilang bahagi ng kanyang pag-aaral ukol sa mga pagsisikap ng publiko, partikular ng mga commuters upang mahanapan ng solusyon ang traffic at maaring mga maisagawang hakbang upang lumuwag ang daloy ng traffic sa Pilipinas.