Ang problema sa trapiko sa Pilipinas partikular sa Metro Manila ay isang nakakabahalang isyu para sa mga Pilipino at para sa karamihan ng mga balikbayan. Larawan: Sitwasyon ng trapiko sa bahagi ng EDSA-Guadalupe bago pa man ang oras na madaming tao. (A. Violata)
Isang matinding problema na sinusubakang hanapan ng solusyon ng kasalukuyang pamahalaan, sa pamamagitan ng mga panandalian at pang-matagalang solusyon kasama na ang panukala na bigyan ng emergency power ang Pangulo.
Ibinahagi ng General Manager at officer in charge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Thomas "Tim" Orbos ang mga umiiral at planong aksyon para maibsan ang trapiko sa bansa.

Share




