Key Points
- Ayon kay Medibank chief executive David Koczkar hindi sila magbibigay ng ransom dahil walang kasiguraduhan kung ibabalik ng mga hacker ang mga nakuhang impormasyon
- Wala namang credit card or banking details na na-access. Ayon pa kay Kockzar , makikipagtulangan ang kumpanya sa pamahalaan at iba pang ahensya at magkakaroon ng external review o pagsisiyasat sa insidente.
- Inanunsyo din ni Federal Financial Services Minister Stephen Jones ang pagakakaroon ng pagbabago sa kanilang anti-scam policy. Kasunod ng bagong batas na magpapataas sa multa ng mga kumpanyang sangkot sa data breach mula sa dating $2.2 million na ngayon ay aabot na sa $50 million.