Itinuturing na Charles Barkley ng Sydney Filipino-Australian Basketball Community, si Ata Ayuk ay pangkaraniwang mukha sa mga kampeyonata ng laban ng basketbol sa komunidad Pilipino-Australyano sa Sydney o kahit hindi man Pilipino kundi sa kanlurang Sydney. Larawan: Ata Ayuk (SBS Filipino)
Marami na siyang naiuwing kampeyonato sa mga torneo rito mula noong siya ay naglagi sa Sydney pagkatapos na maglaro sa mga malalaking liga sa Pilipinas at minsan pang na-i-draft sa Philippine Basketball Association o PBA.
Higit pa nating kilalanin nang husto ang pagiging Pilipino-Australyano ni Ata Ayuk sa panayam ni Marc Leabres.
Video recording ng panayam kay Ata Ayuk:
Share