May 20 taon na ang nakalipas simula ng dumating si Father John Joel Vergara sa Australya bilang isang seminarista. Bata pa lamang ay pinangarap na niyang magusot ng uniporme at magsilbi bilang isang sundalo tulad ng kanyang ama. Ngunit tila di niya nagging kapalaran ang maging isang sundalo, sa halip ay tinawag siya upang maging sundalo ni Kristo at magsilbi sa Simbahang Katoliko.




