Iniikot ni Segundo Boyet Vasquez ang mundo sa kanyang paglalayag bilang isang klasikong gitarista, at sa mga panahon ng kanyang bakasyon, siya ay nagtatanghal sa ilang mga pagdiriwang at mga pagtitipon na iniimbitahan siya.
Lumaki siya sa isang pamilya ng mga klasikong musikero sa Cagayan de Oro, naipakilala sa mundo ng klasikong musika sa murang edad, na kanyang kinagiliwan at minahal, nag-aral ng gitara at boses sa unibersidad pagkatapos ng kanyang kursong marine enginerring.
Bumibisita ngayon sa Canberra, dito sa Australia, para sa ilang pagtatanghal na inayos ng Australyanong mag-asawa sina Michael at Julie Szabo, na kanyang nakilala sa isa sa kanyang paglalayag.