Key Points
- Ang Bayanihan in Melbourne Inc. ay binubuo ng karamihang senior citizens na nagsasagawa ng mga gawaing pangkomunidad at pangkultura upang mapawi ang kalungkutan at mapalakas ang ugnayan ng bawat isa.
- May temang “Kadakilaan ng Nakaraan, Lakas ng Kasalukuyan,” ang programa ay magbibigay-pugay sa mga kilalang bayani tulad ni Dr. José Rizal at sa mga makabagong bayani gaya ng mga nars, tagapagtanggol ng batas, at mga lider ng komunidad — kabilang ang apo sa tuhod ni Rizal na kasalukuyang naninirahan sa Melbourne.
- Gaganapin sa St Peter’s Eastern Hill Hall sa East Melbourne, tampok sa selebrasyon ang mga pagtatanghal na kultural, mga palarong tumatalakay sa pambansang simbolo ng Pilipinas, at mga aktibidad na nagpapalalim ng pakikipag-ugnayan ng komunidad.
Sa isang panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ni Versie Tamblyn, pangulo ng Bayanihan in Melbourne, na ang kanyang personal na makabagong bayani ay ang mga ina.
“Malaki ang sakripisyo ng mga ina, lalo na rito sa Australia kung saan madalas ay walang tulong sa pagpapalaki ng anak—hindi tulad sa Pilipinas na may yayas, magulang, at pamilya na katuwang. Kadalasan ay nakakalimutan ang mga ina, kahit ng sarili nilang mga anak, ngunit patuloy silang nagmamahal nang walang kapalit. Kaya para sa akin, ang mga ina ang tunay na makabagong bayani.”
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.