KEY POINTS
- Ang menopause ay palatandaan ng pagtatapos ng pagreregla ng isang babae. Sa yugtong ito, nagsisimulang humina ang paggana ng mga ovary ng babae kapag naabot niya ang edad na 45 hanggang 55 taon.
- Lumabas sa international medical journal na The Lancet, nagbabala ang mga Australyanong tagasaliksik laban sa labis na paggamot sa menopause, nanawagan din sila ng pag-uunawa upang mas mabuting masuportahan ang mga kababaihang dumaranas nito.
- Dapat umano kabilang sa mga payo ang impormasyon tungkol sa benepisyo, panganib at pagkumpara sa MHT sa mga bagong non-hormonal treatment o cognitive behaviourak therapy pati nadin mga pagbabago sa istilo ng buhay.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor.




