Key Points
- Higit 700,000 na mga bata sa buong mundo ang tinatamaan ng sakit ng dementia.
- Sa Australia, tinatayang 2,300 na bata ang may dementia; humigit-kumulang 90 bata ang namamatay bawat taon.
- Hinihiling ng mga tagapagtaguyod na madagdagan ang suporta para sa mga kabataan na may dementia.
Bilang bahagi ng Dementia Action Week ngayong Setyembre 19-25, marami ang umaasa na sa pagkakaroon sana ng pambansang inisyatibo ay marami pang makaaalam kaugnay sa kondisyong ito, na kasalukuyang nakakaapekto sa humigit-kumulang 700,000 bata sa buong mundo.
Hinihiling ng Childhood Dementia Initiative na madagdagan ang pondo para sa pananaliksik kaugnay ng dementia sa mga bata.
Nasa 75 porsyento ng mga bata na may childhood dementia ay may life expectancy na mababa sa 18 taon.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino