Key Points
- Pinapalawak ng gobyerno ng Australia ang abot ng taskforce ng Foreign Interference nito sa mas maraming ahensya ng gobyerno, habang ang sektor ng Tech ay nakikiisa sa mga Unibersidad sa pagkakaroon ng dedikadong interference watchdog.
- Itinuturing ding pangunahing sandata ang sistema ng migrasyon, kabilang ang mas malapit na pagsisiyasat sa mga international student na nag-aaplay sa pag-aaral sa mga larangan tulad ng drone technology - kung saan maaari silang malantad sa sensitibong impormasyon.
- Ang diskarte ng Australia sa panghihimasok ng mga dayuhan, kabilang ang mas mahigpit na aplikasyon ng mga batas sa imigrasyon at pagpapatupad ng mga deportasyon, ay nagbibigay ng magandang panimulang punto para sa mga bansang tulad ng Pilipinas upang mas maunawaan ang mga sitwasyon sa kanilang bansa.