Mga bagong patakaran sa Australia na epektibo ngayong July 1

A composite image of an Australian passport, cash notes, the Centrelink logo, a calendar reading 'July 1' and a document with a dollar sign on it.

Source: SBS

Ang unang araw ng Hulyo ang simula ng bagong Financial Year at kasabay nito ang mga bagong patakaran na makakaapekto sa maraming mamamayan.


Key Points
  • Mula ngayong July 1 makakatanggap tapyas sa buwis o tax cut..
  • Aakyat ang Minimum at award wages ng 3.75 per cent.
  • Ang bawat households ay makakakuha rin ng $300 off sa kanilang energy bills.

Para sa mga Australians na nahihirapan dahil sa taas ng cost of living, may magandang balita na hatid ang Hulyo.

Mula ngayong July 1 makakatanggap tapyas sa buwis sa pagitan ng halagang $345 hanggang $4,529 depende sa iyong kinikita.

Ang average na mababawas sa buwis ay nasa $1,900.

Ang Minimum at award wages ay aakyat ng 3.75 per cent.

Habang ang minimum na halaga ng super na dapat icontribute ng employers sa kanilang empleyado ay magiging 11.5 percent na mula sa dating 11 percent.

Ang bawat Households ay makakakuha rin ng $300 off sa kanilang energy bills, na ibabawas kada quarter sa halagang $75 at may extrang ayuda sa ibang estado.

Ang mga maliliit na negosyo ay makakakuha naman ng $325 off sa bayarin sa kuryente.

Sa mga botika o pharmacies, ang mga gamot na nakalista sa Pharmaceutical Benefits Scheme, or PBS, ay magkakaroon ng cap sa halagang $31.60 .

Ang mga botika rin ang tanging lugar na papayagang magbenta ng vape sa buong bansa.

Kinakailangan ng prescription o reseta kung bibili ng vape mula ngayong Hulyo hanggang buwan ng Oktubre.

Matapos ito ay maari nang mabili ang vape na over the counter, kahit maraming botika ang tutol dito tulad ng Terry White and Priceline.

Simula ngayong araw ipapatupad din ang lagbabawal sa paggamit ng engineered stone.

Kabilang ang mga bench top, panel at slab.

Kasunod ito ng matagal na kampanya ng mga doktor, trade unions at manggagawa dahil sa panganib sa kalusugan dala ng silica dust mula sa mga ito.

Sa New South Wales, may bagong patakarang iiral bilang proteksyon sa live music industry.Base sa reporma , ang isang reklamo sa Ingay dulot ng venue ay hindi na magiging dahilan para ipasara ito.

Ang mga noise complaints ay pamamahalaan na ng Liquor and Gaming New South Wales na dati ay dumadaan pa sa sa pitong ahensya.

Samantala, ipapatupad sa South Australia ang mas mahigpit na reporma sa renta, at magiging mas mahirap para sa mga landlord na paalisin ang mga may fixed lease.

Habang gumawa naman ang Queensland ng hakbang para sa 'path to treaty' o pakikipagkasundo sa First Nations people, kung saan magsisimula ang Truth Telling and Healing inquiry ng estado.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand