Key Points
- Bagong modus sa human trafficking na nambibiktima ng mga Pinoy gamit ang cryptocurrency iniimbestigahan na ng Department of Migrant Workers sa Pilipinas.
- Ban o pagbabawal sa pagsasabatas ng Euthanasia sa mga teritoryo sa Australia, inalis na.
- Socceroos haharap sa knock out match sa Argentina bukas sa FIFA World Cup
Naglabas na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng advisory para mabalaan ang mga overseas filipino workers lalo na ang mga nag-apply ng trabaho sa ibang bansa laban sa nag-aalok ng trabaho online gaya ng data encoders at customer service relations sa Southeast Asian nations.