Nagbabala ang mga doktor sa Australia tungkol sa bisa at suplay ng antibiotics. Anila, ito ay limitado at maaaring may hindi magandang bunga sa kalusugan sa hinaharap.
Key Points
- Ang mga antimicrobial ay isang malawak na uri ng mga gamot na nilalabanan ang bacteria, fungi, parasites, at ilang mga virus.
- Ayon sa mga nasa medical field, ang labis na paggamit ng antibiotics ay maaaring magdulot ng antimicrobial resistance.
- Ang mga doktor ay nananawagan sa mga tao na huwag ipilit ang paggamit ng antibiotics kung hindi ito talaga kinakailangan.
Share





