Binuo ng Everybody's Home, coalition ng welfare at housing groups, ang ulat na pinamagatang 'Priced Out' at napag-alaman na two thirds ng sahod ng mga essential workers ay napupunta sa bayad sa upa.
Key Points
- Ang mga aged care, child care, nars, cleaners, hospitality, postal at freight workers ang ilan sa mga napagalamang nahihirapan matustusan ang malaking bayad sa upa.
- Queensland ang may pinaka-mataas na singil sa upa.
- Kailangan mag tayo ng 20,000 abot kayang pabahay bawat taon upang mapunan ang kakulangan na 640,00 mga tirahan
Kabilang sa mungkahi ng Pamahalaang pederal para housing reform package ang $10 billion housing future fund upang pondohan ang konstruksiyon ng 30,000 na social at abot kayang pa bahay para paupahan sa susunod na limang taon.
Share




