Lumabas sa bagong ulat ng RMIT University na ang mga highly skilled na mga migrante ay kadalasan humaharap sa maraming mga hadlang sa trabaho dahilan upang gawin nila ang ang mga low skilled na trabaho sa gitna ng patuloy na kakulangan ng skilled worker sa ekonomiya.
KEY POINTS
- Kabilang sa pag-aaral ang karanasan ng 50 skilled migrants na kadalasan ay nahaharap din sa diskriminasyon sa proseso ng recruitment.
- Ayon sa pananaliksik, nalaman na ang mga international students ay hindi nabibigyan ng pagkakataon pagkatapos maka-graduate dahil di naiintindihan ng mga taga empleyo ang sistema ng imigrasyon.
- Isa sa pinakamalaking hadlang ay ang kakulangan sa lokal na karanasan sa trabaho ng mga migrante.
Share





