Maraming international PhD student sa Australia ang nahaharap sa hindi tiyak na hinaharap, habang nakatakdang simulan ang pagpapatupad sa bagong limitasyon sa edad para sa popular na graduate visa. Marami ang nagsasabing mapipilitan silang umalis ng Australia dahil sa mga pagbabagong nakatakdang gawin sa Temporary Graduate Visa Class 485.
Key Points
- Mula Hulyo 1, gagawin nang 35-anyos ang edad para sa mga aplikante na gustong kumuha ng Temporary Graduate Visa Class 485. Sa ngayon ito ay kasalukuyang nasa 50-anyos.
- Kakalahatiin rin ang maximum na panahon ng pananatili para sa mga doctoral graduates - matapos ang kanilang kurso. Mula anim na taon gagawin na lamang itong tatlong taon.
- Hindi maaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang mga estudyante na may Hong Kong o British passport.
Share




