Mga international students dismayado sa pagpapaliban ng inaasahang pagbukas ng Australia

International students Mayson Javelona and Grace Dizon

International students Mayson Javelona and Grace Dizon Source: TJ Correa

Dismayado ang ilang Filipino international students sa pag-delay ng gobyerno sa inaasahang pagbubukas ng Australia.


Highlights
  • Ayon sa gobyerno, ang naturang pagpapaliban ay magbibigay ng panahon para sa health authorities na masuri at mapag-aralan ang bagong covid-19 variant.
  • Pinagbawalan makapasok sa bansa ang mga hindi Australian citizen na galing sa South Africa, Namibia, Zimbabwe, Botswana, Lesotho, Eswatini, Malawi at Mozambique.
  • Tinatayang 200,000 international students, skilled workers, humanitarian visa, working holiday, provisional family visa holders at iba pa ang apektado ng anunsyong pagpapaliban ng pagbubukas ng borders.
Tila pinagbagsakan ng langit si Grace Dizon, isang international student matapos mabalitaan ang pagpapaliban ng dalawang linggo ng Australian government sa planong pagbubukas ng international borders para sa mga fully vaccinated eligible temporary visa holder.

Ang sana’y a-uno ng Disyembre, na-urong ng a-kinse dahil sa banta ng bagong COVID-19 variant na omicron.

"Nashock, naiyak ako kasi 50k yung ticket so parang ang hirap irebook kasi naghahanap ka na naman ng flight. Yung mga plans and preparations mo and all mababago na naman."

Ang international student naman na si Mayson Javelona, mas matindi ang pagkalito lalo pa’t ang kanyang flight ay naka-schedule mismo ng December 15.

"Original ko is 15 talaga, advise ng airlines mag-16 ka na lang kasi baka magcancel yung airline mismo. So I went sa 16 , they moved me to 18 kasi nacancel nga yung 16. Pinarebook ko yung flight ko from 18th of December to 15th of December. So paano ito eh 15 talaga flight ko? Nagulantang talaga ako sa news na nabasa ko."

Pakinggan ang podcast

Sa kasalukuyan, lahat ng mga papasok ng bansa ay dapat sumailalim sa P-C-R test at kailangan mag-self isolate ng pitumpu’t dalawang oras matapos lumapag ng New South Wales, Victoria at Australian Capital Territory.

Panawagan ni Grace Dizon na sana ay may konkretong plano ang gobyerno para sa mga tulad nilang international students.

"Sana yung makatao lang as a person kasi syempre may emotion din kami nahe-hurt may pride din, lalo na parang ganyan na bibingiyan kami ng hope ng government then afterwards hindi na naman. Sana maconsider din yun ng government kasi they promise na once na -hit na yung 80 per cent, then magre reopen na ang Australia pero look hindi na naman natupad ang pangakong yun."


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga international students dismayado sa pagpapaliban ng inaasahang pagbukas ng Australia | SBS Filipino