Sa bansang mas kilala sa basketball, volleyball at boxing, tatlong kabataang Filipina-Australian ang tumutulong upang ipakilala ang cricket sa mas maraming Pilipino. Sina Amelia Valdez, Elyza Wall at Zoe Wong ay hindi lamang naglalaro para manalo, dala rin nila ang bandila, kulturang Pilipino at pangarap na magbukas ng mas malawak na landas para sa susunod na henerasyon.
Key Points
- Kabataang gumagawa ng kasaysayan. Nagtala si Amelia ng makasaysayang T20 International record at naging vice-captain, habang kapwa nag-debut sa edad na 15 sina Elyza at Zoe.
- Cricket bilang tulay sa kulturang Pilipino. Sa paglalaro para sa Pilipinas, mas napapalalim ng tatlong Filipina-Australian ang kanilang koneksyon sa sariling pinagmulan at sa kapwa Pilipino.
- Nagbubukas ng landas para sa susunod na henerasyon. Bukod sa paglalaro, tumutulong din sila sa pagbuo ng cricket programs at pagbibigay-inspirasyon sa mga batang babae habang patuloy na umaangat ang Blue Caps sa international stage.
Cricket is a fun and safe space where I can be myself, make heaps of new friends, and represent the Philippines to the world at the same time.Amelia Valdez

Especially for girls, they are often like sensitive of getting involved with the game... it can be intimidating. I think creating a environment that they can feel more safe and comfortable and just play a game that they can enjoy is quite important.Zoe Wong

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube
Share




