Mga kabataang Pinoy sa NSW, kinilala sa kanilang natatanging serbisyo sa komunidad

Francis Calisin-Christian Rose - Brianna Serrano.jpg

Christian Rose (in black suit) receives Order of Australia Commendation Medal for his service to the community; Francis Calisin-Porter (left) and Brianna Serrano were awarded Highly Commended Certificate of Excellence for Student Achievement by the NSW Department of Education. Credit: Supplied

Ilang kabataang Pilipino mula Central Coast ginawaran ng pagkilala sa kanilang galing at kontribusyon sa komunidad sa New South Wales.


Key Points
  • Ayon sa Australian Bureau of Statistics, halos 5.9 milyong Australyano na edad 15 pataas ay nagboluntaryo noong 2019.
  • Ang mga kabataang na sina Christian Rose, Francis Calisin-Porter at Brianna Serrano ay tumanggap ng pagkilala para sa kanilang mga nagawa at pagboboluntaryo.
  • Ang mga kabataang Pinoy-Aussie na ito ay mas ganado pang magboluntaryo.

Kabataan at serbisyo sa komunidad

Isang prestihiyosong parangal ang tinanggap ng Year 12 student na si Christian Rose para sa kanyang natatanging serbisyo sa komunidad ng New South Wales.

Malaking karangalan para sa estudyante mula Central Coast na matanggap ang Order of Australia Youth Community Service Award 2022 Certificate of Commendation nitong Setyembre lamang.

"It's a big achievement for me and a great recognition for the hundreds of hours of community service I had done in the past 6 years or so."

Ibinibigay ng Order of Australia Association ang nabanggit na parangal upang kilalanin ang serbisyo sa komunidad ng mga indibidwal na estudyante na karaniwang hindi nabibigyan ng gawad sa kanilang paaralan.
Christian 1.jpg
At his school, Christian Rose has been actively volunteering and had been recognised for his community works before. Credit: Supplied by Milan Rose
Bawat taon, nasa 20 mag-aaral sa Year 11 o Year 12 ang tumatanggap ng pagkilala.

Kinalakihan ni Christian Rose ang pagtulong sa komunidad. Bata pa lamang ito nang magsimulang mamulat sa pagboboluntaryo, tumutulong sa kanyang ina sa pagtulong sa komunidad Filipino sa Central Coast.
Francis 2.jpg
Year 6 student Francis Calisin-Porter is very eager in learning the Filipino language. She's been attending Filipino classes at the Central Coast for the last 5 years. Credit: SBS Filipino
Pagboboluntaryo din at pagsisikap na mag-aral ng wikang Filipino naman ang dahilan na magawaran ang mag-aaral na si Francis Luccianna Calisin-Porter ng 'Highly Commended Certificate of Excellence for Student Achievement Community Language Schools' mula sa NSW Department of Education.

Limang taon pa lamang nang pumapasok sa Filipino Language class ang Year 6 na mag-aaral. Regular itong tumutulong sa mga aktibidad ng Filipino Community sa Central Coast at Sydney.

Kasama din ni Calisin-Porter ang kapwa taga_Central Coast na si Brianna Serrano na tumanggap ng parehong parangal.

francis and brianna.jpg
Francis Calisin-Porter (left) and Brianna Serrano both received 'Highly Commended Certificate of Excellence' at the NSW Education 2022 Minister’s Award for Excellence in Student Achievement Community Languages Schools as they were recognised for their achievements and efforts in their years of learning the Filipino language and culture. Credit: Pinoy Community Cultural Class, Inc (Facebook)
Ang dalawa ay kabilang sa kabuuang 128 awards mula sa 2022 NSW Minister’s and Secretary’s Awards for Excellence na ipinamigay sa mga estudyante, mga guro at paaralan na nakagawa ng makabuluhang kontribusyon sa mas malawak na komunidad ng NSW.

Pagkilala at motibasyon

Para sa dalaginding na si Francis, malaking bagay ang natanggap na pagkilala.

“Hindi lamang dahil sa kinikilala ng gawad ang aking mga nagawa kundi kinikilala rin nito na ang Filipino language at culture ay makabuluhan pa rin para sa mga Filipino na nandito sa Australia."

Itinuturing naman ng Year 12 na si Christian ang natanggap na parangal bilang malaking pagpapahalaga sa kanyang mga nagawa sa nakalipas na ilang taon.

"It gives me a huge sense of accomplishment for the years and it's a big reflection of my Filipino pride."

Bukod sa masarap sa pakiramdam, mas motivated din ang parehong sina Christian at Francis na lalo pang magsikap at tumulong sa iba.

"Being recognised gives me more motivation to inspire others," ani Christian.

Sa lahat ng mga kabataang tulad ni Francis, narito ang kanyang panawagan.

“Hinihikayat ko po kayo na sumali at mag-volunteer sa mga community activities and events dahil mahalagang ipagpatuloy ang mga tradisyon na humubog sa atin.”

“What we do moulds us as a person and contributes to the moulding of other people we interact with in our community. Napakasaya po maging bahagi ng Filipino community dito sa Australia,” dagdag ni Calisin-Porter.

Ayon sa Australian Institute of Health and Welfare (AIHW), ang pagboboluntaryo ay hindi lamang nagpapalawak ng network ng mga tao, ito rin ay ipinapahiwatig din nito ang antas ng pagiging mabuti at pakikiisa sa lipunan.

Ipinapakita ng datos mula sa Australian Bureau of Statistics na noong 2019, mahigit 5.9 milyong tao na may edad 15 pataas ang may gawaing boluntaryo sa buong Australia. Tinatayang higit 596.2 milyong oras ang ginugugol ng mga boluntaryo sa pagtulong sa komunidad.
FILO PODCAST INSTRUCTIONS
How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand