Key Points
- May dalawang bahagi ang isang kwento, ang magandang simula na makakapukaw ng atensiyon at pagtatapos na di malilimutan ng tagapakinig.
- Ang sikreto sa magandang kwento ay yung kwento makakapukaw ng emosyon.
- Mahalaga na mapanatili ang personal na koneksiyon ng kwentista sa audience niya.
'Ang kwento ay bahagi na ng ating DNA, kapag maynangyari sa atin, ikwekwento natin ito sa kaibigan, pamilya. Ang mga kwento natin ay laging may mensahe, maaring din maglaman ng opinyon sa mga nangyayari o nangyari. Ang kwento kasi ay madaling maalala, lalo na kung maganda yung pagka-kwento.' Anna Manuel, isang kwentista sa wikang Filipino at Ingles.
'Ang kwento ay maaring gamitin sa pagturo ng wika, kailangan lamang ay gamitin natin ang mga simpleng salita na ating ginagamit sa pang araw-araw na buhay. Mas madaling matuto kung naka base ito sa kontexto.' dagdag ng Pilpinong Kwentista, 'ang kwento ay maaring salamin sa iyong buhay o di kaya'y bintana sa buhay o karanasan ng iba'
Ang susunod na kwento ni Anna Manuel ay maaring matunghayan sa nalalapit na Willy Lit Fest 2024



