Ginaganap ang ika-pitong taon ng Simbang Gabi sa Notre Dame Parish Cloverdale kung saan dumalo ang ilang Pinoy sa Western Australia.
Key Points
- Bukod sa mga Pinoy, dumalo sa Simbang Gabi sa Perth ang ilang parishioner mula sa multicultural background.
- Ikinalugod at pinangunahan nina Most Rev Timothy Costelloe SBD, Archbishop of Perth at Fr Michael Quynh Do Parish Priest tradisyon ng Simbang Gabi.
- Ang San Lorenzo Ruiz Choir sa pangunguna ng Musical Director at accompanist na si Glenn Hipolito ang nanguna sa pag-awit.

Aabot sa 76% ang mga Filipino sa Australia na Katoliko ang relihiyon ayon sa Census. Patuloy ang pag-obserba ng mga nakagawiang tradisyon gaya ng Simbang Gabi.
Emosyonal ang coordinator ng Simbang Gabi sa Notre Dame Parish Cloverdale na si Josephine Cabagyo sa naging panayam ng SBS Filipino lalo at malaki ang tulong ng tradisyon sa kanyang pananampalataya at pagyabong ng Filipino community sa Perth.
Doon ko naramdaman yung sarap ng pamumuhay sa Australia not because of material things at ganda ng lugar kundi sa community, mga taong nag-aalok ng suporta [emotionally at spiritually].Josephine Cabagyo, Simbang Gabi sa Perth Coordinator






