Key Points
- Naiuwi ng 48 anyos na nurse at educator na si Irene Evangelista mula Adelaide, South Australia ang korona. Ginanap ang coronation nitong ika-30 ng Oktubre sa Epping Club, New South Wales.
- Sa lumalalang climate change na nagdudulot ng mas matinding bagyo, baha at iba pang sakuna, panahon na umano para umaksyon ang bawat mamamayan ayon sa mga kandidata at mabuting simulan ito sa loob ng tahanan.
- Nakuha ni Annie Gonzales ng Merrylands ang titulong Mrs Earth Charity 2022, si Christine Tadem ang tinanghal na Mrs Earth Water 2022, Mrs Earth Fire 2022 naman si Rhea Tecson ng Western Australia at Mrs Earth Air 2022 si Jenina Cotelo.




