Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Mga pagbabago sa mga polisa at batas sa Australia mula Enero 2024

2024 changes and policies

Bagong taon, bagong mga patakaran, polisa at batas . Alamin ang mga iiral na pagbabago sa iba’t-ibang sektor sa Australia ngayong 2024.


Key Points
  • Nasa 936,000 Australians na nakakatanggap ng youth, student, or carer support payments ang magkakaroon ng 6 per cent indexation increase.
  • Ang superannuation ay isasama sa National Employment Standards bilang karapatan ng mga manggagawa.
  • Iiral ang mga bagong patakaran mula ngayong January 1, 2024.

Layunin ng pamahalaan ng Australia na mapagbuti ang serbisyong pangkalusugan at maengganyo ang mga Australians na mamuhay ng may healthy lifestyle.

Vapes

Kaya ngayong January 1 2024, epektibo na ang pagbabawal ng pag-iimport ng non-theraputic vapes sa bansa. Tanging ang mga nireseta ng doctor o galing sa botika ang legal gamitin.

Sa South Australia, mula March 1 2024 ang mga naninigarilyo at gumagamit ng vape ay maaring magmulta ng hanggang $105 at prosecution penalties na $750 kung mahuhuli sa mga outdoor public spaces kung saan ito ipinagbabawal.

 

Medicare

Ngayong taon, tataasan ang Medicare Safety Nets ibig sabihin mas mataas na ang magiging out of pocket medical expenses bago makakuha ng rebate.

Mula $531.70 ay gagawing $560.40 sa original Medicare Safety Net.

Sinasabing makikinabang dito ang mga pasyenteng may malaking binabayaran sa pagpapagamot.

Kapag gumastos ang isang pasyente para sa kanyang out of hospital medical services, ibabalik ng medicare ang buong halaga o 100% kung maabot ang threshold sa loob ng isang taon.

Ang Extended Medicare Safety Net ay magiging $2,544.30, habang ang Extended Medicare Safety Net para sa mga concession card holders at pamilyang tumatanggap ng Family Tax Benefit A ay magging $811.80.

Welfare payments

Halos isang milyong Australians ang makakatanggap ng 6% na dagdag sa kanilang youth, student o carer support payment.

Ang Youth Allowance payments para sa mga nakakabatang job seekers at estudyante ay tatanggap ng $22.40 at $45.60 kada fortnight, at ang mga nakakatanggap ng AusStudy ay may dagdag na $36.20 hanggang $45.60 kada fortnight

Ang mga tumatanggap ng Disability Support Pension nae dad 21 pababa ay mabibigyan ng dagdag na $31.10 hanggang $44.90 kada fortnight.

Nasa higit 600,000 carers din ang makakatanggap ng dagdag na financial support bilang Carer Allowance na hanggang $153.50 kada fortnight

Ayon kay Minister for Social Services Amanda Rishworth, Ang cash boost na ito para sa mga carers sa Australia ay bahagi ng suporta ng pamahalaan sa gitna ng lumalalang cost of living pressures

HECS

HECS requirements Ipapatupad ng mga unibersidad ang bagong Support for Student Policy.  Alisin na ang 50 per cent pass rate requirement para sa mga studyanteng gumagamit ng HECS Help o tumatanggap ng Commonwealth help.  

Pension

Maari nang kumita ng extra ang mga seniors at veteran na gustong magtrabaho na hindi naapektuhan ang kanilang pension payments.

Itinaas ng federal governement ang Work Bonus limit mula $7,800 at naging $11,800.

Ibigsabihin ang mga single pensioners ay pwedeng kumita ng hanggang $204 kada fortnight at $360 naman para sa mga mag-asawa.

Super

Sa ilalim ng Australian Workplace Laws, mula January 1 2024 ang superannuation ay magiging bahagi ng karapatan ng mga manggagawa na kasama sa National Employment Standards.

Ibig sabihin, ang mga empleyadong hindi nabigyan o kulang ang binayad na super ay maaring magsampa ng reklamo sa korte.

Housing

Sa Victoria, ang bagong gawang bahay ay pagbabawalan kumunekta sa natural gas. Mula January 1, ang mga planning permits para sa mga bahay at residential subdivision ay magiging all-electric networks.

Ito ay naunang inannunsyo ni dating Victorian Premier Daniel Andrews, na anya ay makakabawas ng $1000 sa taunang energy bills at household emissions ng bawat bahay.

Ang mga property owners sa Victoria na may higit sa isang bahay ay tataasan ang tax sa loob ng sampung taon sa ilalim ng pansamantalang land tax surcharge. Ito ay para matulungan ang estado na makabawi sa mga utang at gastos sa panahon ng pandemya.

NSW

Sa NSW naman, magkakaroon 60-dollar weekly toll cap ang mga motoristang gumagamit ng toll roads. Inaasahang makakatulong ito sa nasa 720,000 drivers, lalo na ang mga nagmamaneho ng malayo mula sa western and northwest Sydney.

Ang mga eligible na driver ay dapat resident ng NSW at ginagamit ang sasakyan sa pribadong dahilan at hindi kasama ang mga rideshare operators, heavy vehicles, taxis at mga sasakyang nakarehistro sa negosyo.

Queensland

Maari nang maka-access ng libreng kindergarten mula January 1.

Ang kindy na 15hours per week o 40 weeks kada taon na inooffer sa mga long day care services and sessional kindergarten services ay libre para sa mga batang edad na apat at kalahating taon.

Ayon kay dating Premier Annastacia Palaszczuk, bahagi ito ng cost of living relief para sa halos 50,000 magulang sa Queensland.

ACT

Mula ngayong January 1, ipagbbawal na ang mga ang heavyweight o mabibigat na plastic bags sa ACT. Bahagi ito ng tuluyang pag-alis ng kapitolyo sa single-use plastics. Una nang ipinagbawal ang mga lightweight na plastics at dahil hindi rin gaanong narerecycle ng mga mamamayan ang makakapal na bag, ibabawal na rin ito.

Abangan ang iba pang updates at detalye ng mga pagbabago ngayong 2024 sa SBS Filipino.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now