Mga patakaran sa pagbiyahe sa mga estado't teritoryo ngayong Easter

travel restrictions in states and territories in Australia

Source: Pexels

Naghigpit ang mga travel restrictions sa iba't ibang bahagi ng Australia kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Queensland. Alamin kung anong patakaran ang ipinatutupad sa lugar na nais mong puntahan.


Isinailalim sa 3 day lockdown ang Greater Brisbane.  Nadagdagan kasi ng  apat kahapon (March 29) ang mga nagpositibo sa UK variant  ng coronavirus. Kaya bawat estado sa bansa , isa isang nagpatupad ng paghihigpit ng mga borders .

 New South Wales

Ang lahat ng darating mula Queensland ay kailangang kompletuhan ang self- declaration form.

Kung naka-bisita sa mga "close contact venue "gaya ng mga lugar na sakop ng   Brisbane City  Council at Moreton Bay Regional Council, haharangin ka at pababalikin sa Queensland.

Mga residente lang ng  NSW ang pwedeng makakapasok sa estado.

Habang ang mga residente mula sa hotspot areas ay kailangang magpatest at magself-isolate.

Western australia

Hinigpitan din ang border ng WA simula kaninang madaling araw.

Ibig sabihin di papayagang makapasok ang mga bibyahe mula sa Queensland papuntang WA maliban na lang kung bibigyan ng exemption ng G2G pass.

At kung nakarating ka ng WA mula ika-27 ng Marso bago ang lockdown, kailangang mag-self isolate ng 14 days  at magbigay ng negative test result .

Tasmania

Bnned ang lahat ng mula Queensland papasok sa Tasmania.

Deniklara ng gobyerno na high risk ang lahat ng arrivals mula sa Queensland.

Ang lahat ng nagbyahe mula queensland bago pa man ang lockdown ay inabisuhang  mag isolate at tingnan ang posibleng sintomas ng COVID-19

South australia

Alas kwatro kahapon , sinimulang higpitan ng South Australia ang border nito .

Essential workers  mula sa Queensland ang papayagang makapasok sa estado.

Pero kailangan nilang mag-isolate ng labing apat na araw at magpa-test kontra covid.

Northern territory

Bukas pa din ang border ng northern territory sa mga taga-Queensland

Pero pagtungtong nila sa NT kailangan mag-quarantine ng labing apat na araw

Ikaw din ang magbabayad ng hotel quarantine facility.

ACT

Dineklara ng ACT na corona hotspot ang Queensland.

Sinuman ang nagbyahe kailangang mag-isolate  ng 14 days hanggang makakuha ng negtive result .

Victoria

Sa Victoria, dineklarang red zone ang Greater Brisbane simula 6:00pm kahapon

Sinumang bumyahe matapos ang bakasyon sa naturang lugar ay sasailalim sa self quarantine , makakapasok lang ang may permit .

 

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang health website ng bawat estado.

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand